AKLAN: Boracay - Part 1
Travel date: May 10-12 2013
Ay? Bakit ang mainstream ng first post? Boracay? As in yung overcrowded na tourist spot ng Pilipinas? Wala bang yung medyo off-the-beaten path para medyo cool naman yung unang post? Kasi parang "no brainer" na rin naman ang paglalagalag sa Boracay... well actually... oo nga. Haha!
Ay? Bakit ang mainstream ng first post? Boracay? As in yung overcrowded na tourist spot ng Pilipinas? Wala bang yung medyo off-the-beaten path para medyo cool naman yung unang post? Kasi parang "no brainer" na rin naman ang paglalagalag sa Boracay... well actually... oo nga. Haha!
Sa totoo lang... wala po talagang malalim na dahilan kung bakit ito ang first post ko. Nung naghahanap ako ng unang probinsya sa mga albums ko, nakita ko na yun ang unang-una sa listahan ng mga probinsya: AKLAN. So there. Hahaha.
Willy's Rock, Station 1 |
Sa totoo lang naman talaga... there's more to Aklan than Boracay Island. Pero aminin man natin sa hindi, kapag first time mo ba sa Aklan eh pupuntahan mo ba agad yung mga liblib na lugar tulad ng Pinamucan Island (actually hindi ko rin alam kung ano meron dyan... hehe)?
Dun naman talaga sa Boracay din ang lagpak mo kung pupunta ka sa Aklan. Unless na lang talaga eh dinaluhan mo lang ang Ati-Atihan Festival at hindi ka na nag-push pa sa Boracay dahil corny ka, or tinatamad, or wala lang talagang pera. Pero seriously... when in Aklan--go to Boracay!
To tell you honestly... hindi ko pa talaga binabalak puntahan 'tong Boracay. Until that one fateful day na binook ako ni Andre ng roundtrip flight from Clark to Kalibo. YES. Clark na, Kalibo pa! At hindi sya masyadong SALE sa halagang 3K+, mind you. Pero parang ganito yung text na na-receive ko from him:
"Guys, na-book ko na kayo sa Boracay ha, may seat sale kasi ang AirAsia. Send ko na lang sa email nyo yung itinerary. Pakibayaran na lang kasi credit card ng officemate ko yung ginamit ko..."
PAKKKKKK. Seat sale ampotah. Promise? Eh ang seat sale sa'kin na round trip ticket ay hindi lalagpas ng 1.5k. Hanggang ngayon natatawa pa rin ako 'pag naaalala ko ang mishap na 'to. Pero repentant naman si Andre eh. Next time nga naman, kami na mag-book. LOL. Pero Andre, kung nababasa mo 'to... na-appreciate ko naman yung thoughtfulness! Haha!!! Pero mas OK sana kung Manila to Caticlan na yung ticket... LOL. Joke lang. Moving on...
Ending, hindi rin namin in-avail yung Clark-Kalibo na flight dahil masyadong mahaba yung ili-leave namin ni Leo if ever (Wednesday-Sunday for Boracay? 'Wag na lang. Not to mention na ma-effort masyado mag-travel from Manila to Clark). Nag-book kami ng one-way ticket na Manila to Kalibo sa Friday night. At least, direct from Manila na yung flight at isang araw lang kelangan i-leave.
So dumating nga ang araw na pupunta kami sa Boracay. So ang plano, puntahan na lang namin sila Melvin at Andre dun sa hotel na pinagcheck-in-an nila dahil nauna na sila. Gabi ang flight namin thru AirAsia. Naaalala ko pa na Byernes yun kaya ubod ng traffic, at dahil na rin sa election-related campaign shit, kaya untikan talaga kaming hindi na papasukin sa boarding gate ni Leo.
Siguro less than 30 mins from our scheduled flight na nung marating namin ang check-in counter. Good thing is nakapag-web check-in na kami. Kaya pagdating sa counter...
"Miss, yung flight to Kalibo na 10:05 PM..."
"Ay sir, closed na po yung check-in counter..."
"Nakapag-check in na kami miss."
Tumingin sa'kin si Ms. Check-in Counter for a few seconds tapos sabay hingi ng ID namin ni Leo. Whew.
Next thing we know, tumatakbo na kami papunta sa boarding gate. Mukha talaga kaming tanga dun. Parang pang-sine lang na may hinahabol kaming iniirog namin na pasakay ng eroplano... pero mukhang aliw na aliw yung mga manong guard sa'min dahil talagang pinapatakbo talaga kami. "Takbo na sir, baka hindi nyo maabutan!"
Hinihingal pa kami nung marating namin yung boarding gate. Paubos pa lang yung pila. Geez. Pero kung hindi talaga kami sanay sa habulan netong si Leo ay baka nga na-late kami. As in halos kapusin kami ng hininga. Nung nakaupo na sa loob ng eroplano ay tawa na lang kami ng tawa. That was close!
Pero medyo nakaka-badtrip dahil napansin namin na 30 minutes na ang nakakalipas nang makasakay lahat ng pasahero eh hindi pa umaandar ang eroplano. Maya-maya pa ay nag-announce na nga ang isa sa mga cabin crew na "due to airport congestion" daw ay made-delay daw ang flight namin. Siguro almost 45 minutes din ang delay. Wow. Ito talaga yung sasapitin namin pagkatapos namin tumakbo na halos himatayin kami? Ayun, gutom na gutom kami. Napa-order kami ng croissant at juice sa eroplano, kahit mahal. No choice eh, hindi na kami nakapag-baon ng chicha.
Saglit lang naman ang flight to Boracay. Paglabas ng airport ng Kalibo ay ikaw na mismo ang sasalubungin ng napakaraming van transfer services sa labas. Pero sabi ni Melvin, dun daw kami sumakay sa isang "brand" ng van. Nakalimutan ko yung name pero yun daw ang trusted van transfer nya. Eh 'di hinanap namin sa labas at yun nga, naghintay lang saglit para mapuno at umandar na. Nagbayad ng 250 pesos. Mga 2-3 hours din ang byahe from Kalibo airport to Caticlan port, pero hindi ko na rin namalayan dahil tumutulo na ang laway ko at naghihilik na ako sa loob ng van. Comfortable naman dahil bago ang sasakyan at malakas ang aircon, so plakda ako in no time. Minsan pa nga daw sabi ni Leo ay ginigising nya na ako dahil sobrang lakas na ng hagok ko, nakakahiya. Ginigising every once in a while pero nakakatulog din uli. Parang gusto daw akong i-disown ni Leo nung mga panahon na 'yun hehehe.
Nagising na lang ako na nasa Caticlan port na kami. Siguro mga alas dos na rin ng madaling araw nun pero marami pa ring tao sa port. Karamihan sa mga yun eh yung mga nakasabay din namin sa eroplano.
Nakaka-shock din talaga yung dami ng dapat mong bayaran bago ka makarating sa Boracay. Sa port, kelangan magbayad ng terminal fee (50 pesos) at environmental fee (75 pesos)... bukod pa yung pamasahe sa jetty na trumiple @ 100 pesos (or 4x more expensive pa yata!) dahil kelangan naming bayaran ang buong pamasahe ng bangka dahil konti lang ang pasahero... at yung napakamahal na tricycle from Cagban port to your hotel, siguro 200 pesos din yun. Hirap talaga kapag masyado nang kilala yung lugar, daming dapat bayaran! Hindi ako sanay. LOL.
And knowing Melvin, hindi naman backpacker yun, "comfortable" ang magiging accommodation namin. So malamang, knowing Boracay na rin (wow, as if pabalik-balik ako dito) from the reviews sa Internet, mahal pa rin ang "budget" accommodation dito. At dahil sa Station 1 ang hotel namin, in-expect ko na rin na sasakit bulsa ko dito.
Alas-tres na rin yata ng madaling araw yun nung marating namin ang hotel.
(to be continued...)