AKLAN: Boracay - Part 3

The renowned Boracay sunset
Maya-maya lang, dumating na si manong organizer para ituro ang bangkang sasakyan namin papunta sa first activity namin: Helmet Diving. Nakakatuwa dahil speed boat ang gamit nila dito sa pagta-transfer ng mga tao sa mga "activity centers." Kaya sobrang bilis at exciting kasi may feeling na parang titilapon ka sa tubig anytime. Eh medyo harabas na driver pa yung manong na naghatid sa'min hehehe.



Medyo masakit sa leeg panuorin 'tong video mong 'to, Leo. HAHAHA!!!

So dinala nga kami sa isang malaking floating cottage sa gitna ng dagat kung saan ino-orient ng konti ang mga maghe-helmet diving. Yung basic lang naman na senyas sa ilalim ng dagat na pareho rin sa diving. Actually tatlong senyas lang naman ang ituturo sa'yo-- kung OK ka, kung hindi, at kung gusto mo nang umakyat. Simple. LOL. After ng quick orientation ay palulusungin ka na sa dagat. Kakabitan ng hose ang helmet na nakakabit sa pressurized oxygen source at isusuot sayo kapag submerged na ang balikat mo sa tubig. As soon as maisuot na sa'yo ang helmet (na napakabigat, by the way) ay hindi ka na pwedeng kumapit sa bakal na ladder dahil mararamdaman mo ang bigat ng helmet at masakit talaga sya sa balikat. Iga-guide ka na ng diver sa baba, at tatanungin (syempre thru senyas) kung OK ka lang ba. Dahil hindi ako sanay, medyo hindi komportable yung feeling na parang sumasakit ang tenga underwater (dahil nga sa pressure). Senyas ako ng senyas kay manong diver na hindi ako OK, hahaha, how noob of me. Ilang beses kong in-attempt na pigain ang ilong ko at mag-blow para makapag-"equalize," pero olats talaga ako, kasi kinakabahan ako. Medyo nairita yata si manong driver kaya tinanggal nya yung kamay ko sa ilong ko at sumenyas ng OK na medyo parang iritable. Hahaha! Wala na akong choice kundi um-OK na lang din LOL. Well sa umpisa nga lang naman talaga sya hindi komportable. Nakasanayan ko rin habang tumatagal.

Ia-upload ko na lang yung video dito at yung ibang pictures na kasama sa helmet diving kapag nakuha ko na yung CD kay Leo. Too bad wala pa akong underwater camera nung mga panahong 'to (at hindi ko rin sure kung pwede sa ganun kalalim yung mga typical na underwater camera).

Hindi ko rin masyadong na-enjoy yung Helmet Diving. Well enjoy yung experience, pero wala namang gaanong makikita sa baba. Merong isang fenced area dun na pwede mo lang lakaran (which is OK naman dahil barefoot kang maglalakad so baka kung mapunta ko kung saan ay matinik ka pa ng sea urchin or corals). Ang kaso nga lang ay isang clump lang yata ng corals yung makikita mo run. May mangilan-ngilan ding isda na dumadapa sa mga batuhan na pinapana ng diver (parang kinakain yata nila yun). At ang diver, bilang photographer-cum-videographer din ay kumakaway sa'min every once in a while para sumenyas na kukunan na kami ng litrato or video. Well at least hindi ko na rin porproblemahin yung pictures sa baba 'di ba?

Dahil nga konti lang din naman ang makikita mo sa baba (bukod na rin sa mga tricks na ginagawa ng diver na bumubuo ng "rings" na gawa sa bubbles), after half an hour siguro ay magsasawa ka rin at sesenyas nang umakyat. At ganun nga ang ginawa namin.

Hindi na kami nagpatumpik-tumpik pa at nagpahatid na kami sa next activity-- ang pinaka-intense: Fly Fish. How I wish nakunan kami ng video habang nakasakay sa hinayupak na Fly Fish na yan! Hahaha! Medyo matagal ang hinintay namin bago kami nakasakay. Andami kasing nakapila. Kaya parang nag i-intensify ang kaba mo sa makikita mo-- halos lahat ng sumasakay dito eh tumitilapon sa dagat. Nakakatakot na nakaka-excite kasi masakit daw kapag gumulong ka sa tubig. Pero dahil kaming apat ay mala-tuko kung kumapit-- kahit anong "fly" ang ginawa ng Fly Fish na yan eh hindi kami nakabitaw. PROUD. LOL. Pero sobrang sakit ng mga katawan namin. Tawa kami ng tawa habang lumilipad kami sa ere sa sobrang bilis ng patakbo nung humihilang jetski. Ito siguro yung highlight ng Boracay trip ko :)

Nung magdadapit-hapon na ay bumalik muna kami sa hotel para kamustahin si Andre, at itanong na rin kung gusto nyang sumama sa island hopping. Pagkatapos ng mala-litanyang paghihikayat ay napapayag rin namin syang sumama. Nanlibre ng shake sa Willy's Beach Club si Melvin at konting saglit lang ay dumating na ang aming boatman.

First stop namin ay ang snorkeling around Crocodile Island... dahil mahilig ako mag-snorkel ay hindi ko 'to pinalagpas... just to be disappointed sa makikita sa baba LOL. Wala namang masyadong corals kaya hindi rin naman kami nagtagal. Actually hindi rin pala island hopping ang tawag sa ginawa namin, kundi "going around Boracay Island" lang talaga. Hindi naman kami nag-"hop" sa isang isla, nag-dock lang kami sa Puka Beach (which is still part of Boracay pa rin naman) at dun na naghintay ng sunset.











Hindi kasing ganda ng White Beach ang Puka Beach dahil hindi naman fine ang buhangin dito compared sa kabila na mala-talcum powder ang pagkakapino. Pero meron pa rin 'tong charm dahil mas tahimik dito dahil nga konti ag tao, at wala pang mga gusali na gawa sa kongkreto.

Dahil medyo maulap ay hindi rin namin nakita ang perfect sunset sa Boracay. Pero napakaganda pa rin ng kulay ng langit nung magtatakip-silim na. Hindi ako magtatakang naging kilala ang Boracay sa napakaganda nyang sunset :)

Medyo late na kami nakapag-dinner dahil after ng island hopping ay diretso na agad kami sa D'Mall para mamili ng kung anu-anong gamit. Umaabot pala sa point na nagsisiksikan ang mga tao sa D'Mall, ganun karami ang mga tao dito tuwing peak season. Alas syete na yata ng gabi kami natapos sa pamimili, at bumalik muna sa hotel para mag-freshen up. Tapos nagpicture-picture pa sa mga illuminated sand art na nakikita namin sa beach at nanuod pa sa mga fire dancers. Alas nueve pasado na kami nakakain, at dahil gutom na gutom na kami at nag-buffet kami. Nakalimutan ko na yung pangalan ng restaurant, pero kahit konti ang nakalagay sa buffet spread ay masarap naman ang pagkain kahit papaano.


At dahil wala kaming tulog ni Leo ay nagpaalam na kami kila Melvin at Andre na kung gigimik sila that night ay hindi na kami makakasama. Ayaw na rin daw gumimik ni Melvin, kaya nag-inom mag-isa si Andre. Yan ang walang pera ha! Hahaha (well I guess, yun talaga ang trip nya, ang nightlife sa Boracay-- wala nga namang basagan ng trip!)!



Kinabukasan, nagising kami ng maaga ni Leo at nag breakfast sa aming favorite budget eatery-- Andok's! Medyo nauubos na rin kasi ang aming kaban ng cash kaya tipid-tipid na rin (or not). Pagkatapos mag-breakfast ay ano pa nga't naglangoy na naman kami at ine-enjoy ang mga natitirang oras namin sa Boracay. Hindi na rin nag-swimming sila Melvin at Andre. Nagsawa na rin malamang dahil limang araw na rin naman silang nandito.

Bago kami bumyahe pabalik ng Kalibo ay nag-lunch muna kami sa Titos. May kamahalan ang mga pagkain, pero sulit naman sa sarap!





Some of them food we ordered: Boracay Rice, Crispy Pata anfd Carbonara Pizza


At dahil naki-tag along ang aming newfound Chinese friends for lunch (dumating na yung kaibigan ni Tom from Taiwan and magst-stay pa sila for 2 more days), we let them try Sinigang and Bulalo in Beef Mami-- and they actually loved them! Na-enjoy naman namin lahat ng pagkain at sobrang nabusog pa kami sa dami ng servings. A good way to end our short-lived Boracay escapade. Dinaanan lang namin ang in-order naming Calamansi Muffins at sumakay na ng tricycle pa-Cagban port, then ferry papuntang Caticlan port and van pabalik ng Kalibo.

Sa sobrang stressful ng environment sa Kalibo (super daming taong naghihintay), nakalimutan pa namin ni Leo yung box ng Calamansi Muffins sa labas ng airport! 'Pag minamalas ka nga naman... buti na lang natikman namin sa van bago namin nawala... at masasabi naman naming masarap nga talaga! Kakaiba yung lasa kasi subtle lang yung flavor ng calamansi at sa aftertaste mo na malalasahan.
Hindi ko na masyadong matandaan pero alas-diyes pasado na rin yata kami nakalapag ng Clark. From Clark, sumakay ng airport shuttle papuntang Dau bus terminal at kumain muna kami ng late dinner sa KFC before we boarded a Five Star bus na bound for Manila. Past midnight na rin yata kaming nakauwi ng Manila.



SUMMARY: Masarap sa Boracay, magastos nga lang. Nag-promise kami ni Leo na dapat hindi lalagpas ng 5k ang magagastos namin since isang gabi lang naman technically ang stay namin, pero guess what-- more than 6k ang nagastos namin :( Andaming temptation sa Boracay! Nandyan yung countless na stores, napakaraming masasarap na pagkain, at yung ATM eh nasa beach na rin mismo. Pero I think OK lang naman na gumastos generously sa mga vacations lalo na kung para ma-experience tayong bago. May mga beaches na magra-rival sa "fineness" ng quality ng sand ng Boracay, pero walang tatalo sa lawak at haba ng stretch ng fine white sand nito. Babalikan ko ba ang Boracay? Of course! I'm still a fan of quiet beaches, pero it wouldn't hurt to visit a crowded (but gorgeous) one every once in a while :)

Categories: Share

Leave a Reply