AKLAN: Boracay - Part 2
Pagdating namin sa reception (which is nasa labas lang din naman), nalaman na lang namin na wala yung dalawang ugok sa kwarto at nasa gimikan pa! Well understandable naman... kasi Friday night nga naman (technically Saturday na ng madaling araw). Hindi rin kami pinapasok dahil wala naman daw in-advise yung dalawa. Mga dipunggol din eh no. So sabi nung receptionist, hintay na lang daw kami dun sa mga upuan sa labas. Pero dahil gutom na kami ni Leo... naghanap kami ng makakainan.
Pagpasenciahan na yung style nung Facebook, naka-PirateSpeak kasi LOL |
And yep, sinong mag-aakalang meron pa akong makikitang kakilala sa first time visit ko. Parang mall lang? It so happened na ang Jammer's ay nasa tabi lang ng Epic, yun yata ang pinakasikat na gimikan dun. It so happened din na dun umiinom sila Andre at Melvin. Habang chinichibog namin ang mala-ginto naming orders na burger at shake (na sakto lang naman ang lasa), lumabas si JM (classmate ko nung college) at nakipagkamustahan ng konti. Nabanggit nya rin na nasa Boracay din daw si Maan, classmate din namin. Small world nga naman!
Dahil hindi talaga namin trip gumimik (at hindi ko talaga gusto ang maiingay na lugar), hindi kami pumasok sa loob ng Epic, kundi nag-decide kami ni Leo na gumala na lang papuntang Station 3 after kumain.
Medyo na-overwhelm ako sa dami ng establishments sa Boracay. Dikit-dikit pa kamo sila. At andami pa ring stalls na bukas kahit madaling araw! Parang nasa Manila lang talaga. At meron pang McDonald's na 24 hours open! At dahil parang gusto namin ng ice cream, pumunta kami ng McDo para bumili ng sundae.
Sa totoo lang medyo gumegewang-gewang na kami ni Leo sa antok. Kaya nung nasa Station 3 na kami at mukha namang wala na rin kaming masyadong makikita sa dako pa roon ay nagpasya kaming bumalik na sa Epic para sunduin yung dalawa at makapag-pahinga na sa kwarto. Buti na lang ay iniwan namin yung napakalaki naming mga bags sa receptionist kundi ay mukha kaming tanga dun na may sakbit-sakbit na bag nang madaling-araw. Pagbalik namin ng Epic-- pucha sarado na. Hahaha! Parang sobrang saglit lang naman naming nawala, close na agad. So nag-text na nga si Melvin na nakabalik na sila sa hotel.
Pagdating namin sa hotel ay inabutan naming humihilik na si Andre. Si Melvin naman, katatapos lang maligo at mukhang patulog na rin. Sa totoo lang, kami ni Leo, kahit inaantok na ay nilalabanan namin dahil gusto namin sulitin ang stay. Wala na bang tulugan? Pero naka-idlip din ako ng 30 minutes. Or isang oras din yata yun? Nung maalimpungatan ako, binuksan ko ang pinto at napansing meron nang natural light sa labas. Napansin kong si Leo, kinukutingting pa rin ang tablet nya at mukhang hindi umidlip. Kaya niyaya ko sya sa labas para magpicture-picture.
Wala pang araw nung tumambay kami sa mga beach chairs sa labas, nagbubukang-liwayway pa lang.
Lapit lang namin sa Willy's Rock |
At nung nagka-araw na nga ay sinimulan namin kumuha ng mga litrato. Sabi ko kay Leo, hindi ko na dadalhin yung SLR ko at hihiramin ko na lang yung kanya, tutal magkapareho lang naman kami ng camera kaya sanay na ako sa setting.
Pasikat na ang araw... |
7 AM pa lang siguro nyan pero andami nang tao! |
Dito kami nag-stay. Si Leo yung nakaupo hehehe. |
Medyo na-excite ako habang nasisikatan ng araw ang beach ng Boracay. Ang ganda-ganda pala talaga nya, save for the series of establishments dotting the shoreline. Ang masaklap pa nito, masyado nang maikli ang shoreline ng Boracay... kumbaga parang ilang dipa na lang ang layo ng mga hotel sa mismong beach (kesyo sabihin nating high tide pa nun). Naaalala ko tuloy ang kwento nung mga nakapunta dito bago pa man naging sikat 'to sa mga turista. Napakalawak, napakalinis, napakatahimik pa daw noon.
Eto lang naman kasi ang itsura ng dating Boracay, bago pa sumikat ng todo:
Galing po sa Skyscapercity.com ang larawang ito. |
The price you have to pay for progress nga naman... pero hindi naman dapat laging ganun ang case 'di ba? Anyway...
Masyadong inviting ang linaw ng tubig para hindi kami maligo. Kaya maaga pa lang, after ng konting picture-taking sa Willy's Rock at sa kung saan-saang parte ng Station 1 & 2 ay naligo na kami. Hindi na kami papaawat dahil kelangan sulitin ang "overnight stay" sa Boracay HAHAHA!!!
After about an hour ng paliligo ay nagutom na naman kami ni Leo. Kaya kahit basa at malagkit pa dahil sa tubig alat (sanay na sanay kami dito, hindi lang kami sure kung norm nga ba ito sa Boracay) ay nagpasya kaming mag-Google ng "best places to eat breakfast in Boracay." At ang top suggestion ay The Real Coffee and Tea Cafe.
Hinanap pa namin sa Google Maps dahil hindi talaga namin makita sa pabalik-balik na paglalakad namin sa Station 1 & 2 (dahil sabi sa mga instructions, nasa gitna lang daw 'to ng Station 1 & 2). It turns out na nasa looban pala sya at hindi mo talaga matatanaw dun sa beach walk.
Open-air ang restaurant na 'to, na super Filipino ang theme. Pero ang mga item sa menu, sobrang Westernized naman (pancakes, bacon, sausages, etc). Medyo ironic. At hindi sila mura! Dahil balak namin na hindi masyadong gumastos ni Leo ay um-order kami ng mga murang items lang (hindi sosobra ng 200 pesos). Eto yung sa'kin:
2 pcs pancakes w/ 2 sunny-side up eggs. May kasamang brewed coffee 'to. 199 pesos if my memory serves me right. |
Hindi ko na nakunan ng picture yung order ni Leo pero hindi rin naman sya masyadong maganda tignan... at OK lang sana kung talagang sobrang sarap eh, pero hindi eh, nakapa-ordinary ng lasa. Pancakes. Itlog. Brewed Coffee. As in kung ano lasa nyan, yun na talaga. Walang "special effects" or something that could have made the meal memorable. Nakwestyon ko tuloy yung suggestion ng mga tao sa Google. Yung iba kasi lakas pa maka-rave review. Hahaha!!!
Pero dahil nga sikat ang restaurant na 'to sa Calamansi Cupcakes, um-order na rin kami ng isang box (dahil hindi pwedeng pira-piraso ang order-- made to order at dapat minimum of 6, at dapat a day before ka oorder!). Titikman namin kung talagang worth it nga ba ang mga cupcakes na 'to. Binayaran na lang namin at nag-advise na babalikan na lang kinabukasan.
Anyway, pagbalik namin sa hotel ay tulog pa rin ang dalawa... kaya naghintay lang kami ng konti na magising yung dalawa. Nag-swimming yata kami at kumuha ulit ng litrato... at nung tanghali na nga at nagising na si Melvin. Si Andre, tulog-mantika pa rin. Nag-aya na ring kumain ni Melvin dhail nagugutom na rin sya, at dahil nga "tipid mode on" na kami ni Leo... nag-suggest na lang kami na sa Andok's na kumain. HAHAHA!!! Pinag-take out na lang ni Melvin si Andre ng pagkain dahil nag-text narin na nagising na nga.
Pagbalik sa hotel, niyaya na namin silang mag-try ng water activities. Syempre nga naman, hindi makukumpleto ang experience sa Boracay kung hindi mo ita-try ang ilan sa mga yun. At dahil medyo budgeted nga rin at namili lang kami ng ita-try. Sa dami ng nago-offer sa labas ng hotel ng mga packages, nag-settle kami dun sa pinakamura syempre. Ang listahan ng activities: Fly Fish, Helmet Diving (Reef Walking) at Island Hopping.
Ready na! |
Ayaw sumama ni Andre kasi wala na daw syang budget. Napagastos daw sya ng sobra nung mga nakaraang araw-- halos gabi-gabi kasi yata silang umiinom hahaha!
Habang hinihintay namin ang organzier namin ay nakilala namin si Tom. Chinese na nagbabakasyon mag-isa, at naghihintay ng kasama nya na darating kinabukasan pa. Nagtanong sya kung pwede syang sumama sa mga activities namin at syempre, pumayag kami dahil mas makakatipid sa hatian sa island hopping LOL. Kahit medyo nosebleed makipag-usap sa kanya hahaha!!!
(to be continued...)