AURORA: Baler - Part 1
Travel date: April 2010
Dahil balak ko talagang career-in ang alphabetical na order ng mga probinsyang napuntahan ko na so far, eh isusunod ko na ang next na probinsya sa aking Flickr account.
As you can see sa date of travel, medyo matagal na ang adventure naming 'to. Eto yung mga panahong nagsisimula pa lang akong gumala. Noong mga panahon na umaasa pa lang ako sa pagkakasakto na available lahat ng mga kaibigan ko, dahil hindi pa ako marunong mag-travel ng mag-isa (dahil na rin kala ko noon, magastos kapag mag-isa ka lang aalis).
Anyway, hindi biro ang byahe papuntang Aurora. Kung natatandaan ko pa, ang meet up namin ay sa Mcdonalds EDSA Central nang alas dos ng madaling araw, approximately 5 hours daw kasi ang byahe at para maaga-aga kaming makarating. Nung una, excited pa ang lahat, kwentuhan and all sa byahe, pero nung nasa NLEX na kami eh halos natulog na rin ang lahat ng pasahero. Kasama ko dito si Pops, Jeric, Mackie at ang kanyang ate (at asawa ng ate nya, na nag-drive ng van na ginamit namin), at tatlo pa nyang kasamahan sa opisina. In short, sabit lang kami ni Pops at Jeric. Taga-doon yata yung asawa ng ate nya kaya na-realize namin na mas OK yun since merong local na pwede sa'ming mag tour around.
Nagising na lang ako sa stopover namin sa Cabanatuan. Bumili ng pagkain ang aming driver at bumalik na lang ako sa pagkakahimbing. Nagising na lang ako ulit dahil sa lubak-lubak na daan. Pagkatingin ko sa bintana ng sasakyan... woah. Bangin! Mountain road pala ang daanan papuntang Aurora. Dahil hindi ko naman na-Google Maps, saka ko lang na-realize na nahaharangan pa lang ng Sierra Madre ang daan papunta sa probinsyang 'to. Medyo natakot ako ng konti, dahil parang steady (READ: mabilis) lang ang patakbo ni kuya sa sasakyan knowing na bangin ang nasa gilid namin. Pero parang sobrang confident na rin naman nya mag drive kaya sabi ko, siguro OK lang. At sabi rin naman ni Mackie na madalas naman bumyahe si kuya sa Aurora kaya kabisado nya na ang daan.
Dahil hindi pa ako geographically-savvy nang mga panahon na yun ay wala akong pakialam kung anong parte na kami ng Pilipinas. Basta ang alam ko, Baler ang pupuntahan namin. Nung medyo may liwanag na, napansin kong sobrang mahamog sa daan. Ang sarap sa pakiramdam dahil malamig. Binuksan na nga lang namin ang bintana para fresh ang hangin na malalanghap namin sa daan. Pagkadaan namin sa isang maliit na bayan na merong magandang kainan, nag stopover ulit kami para kumain ng "official breakfast."
Tadah! Welcome to Aurora. |
After ng mabilisang breakfast (naalala kong kumain ako ng dinuguan at kanin), resume na agad sa byahe para maagang makarating. Maya-maya pa, may nakita kaming isang motor na nakahinto sa gilid ng bangin, at ang dalawang pasahero neto na may parang dinudungaw sa baba. Syempre, mga ususero't ususero that we are, bumaba rin kami para maki-chismis, at eto nga ang tumambad sa amin:
SHET. Delivery truck na nahulog sa bangin. At least may idea na kayo kung anong sitwasyon ng daan dito. |
Sabi nung isang mama, may mga dugo-dugo pa daw sa salamin ng truck nung bumaba sya para i-check, pero wala naman daw nang tao. Siguro na-rescue na. Kaya tinitignan-tignan nila yung paligid kung meron mang tao. Nagtagal kami ng saglit for more chismis at dumami tuloy ang mga taong nagtumpukan sa lugar na yun. Nung marami-rami na sila ay nagpatuloy kami sa byahe na kinakabahan pa lalo (LOL).
Well... despite the scary road condition ay nakarating naman kaming buo sa bayan ng Baler. Una naming ginawa ay naghanap ng murang resort kung saan pwede kaming mag stay for 3 nights. Lakad-lakad sa beach at konting picture-picture...
Dahil kami ay mga kuripot, naghanap kami ng medyong murang resort, at nakakita kami nang isang malaking resort na kahit hindi naman beachfront eh ilang steps away lang din naman from the beach. Tutal hindi rin naman kami surfers... nagpi-feeling lang na marunong. HAHAHA! Medyo luma na rin yung resort pero super sulit naman at kumportable.
Our humble abode. Nakalimutan ko na pangalan. Tagal na rin kasi neto. |
Hindi na kami nagpa-tumpik tumpik pa at pumunta kami kaagad sa Ermita Hill para tumambay at magala-gala. Actually wala namang gaanong makikita sa lugar na 'to... pero maganda ang view dito. Kitang-kita mo yung malalaking alon sa Baler Bay:
Meron din namang view ng tahimik na parte ng dagat:
Dahil medyo malamig ang simoy ng hangin dito at inabot nga kami ng tanghali ay nakuha ko pang umidlip sa isa sa mga upuan sa park. Sarap.
Chill. |
Maya-maya pa ginising na nila ako at pupunta daw kami sa isang white-sand beach... nakalimutan ko na yung pangalan nung lugar. Dahil puro nga naman black sand ang beaches sa Baler, maiba lang. Pero ang ending... hindi na rin kami tumuloy dahil nagutom kami sa daan, at medyo malayo pa pala sa Baler yun, hahaha!!! Kaya bumalik na lang kami sa resort...
Hanggang dito lang kami inabot tapos bumalik na. HAHAHA!!! Tide pools galore! |
Isa sa mga residents ng tide pools... brittle star. |
...at syempre ang mga notorious na sea urchins. |
Pagkabalik sa resort ay saka lang kami nakapag-abiso sa caretaker kung anong gusto namin kainin... kaya ang ending ay sobrang nagutom talaga kami dahil inabot na ng hapon ang supposedly tanghalian namin (HAHAHA!). Pero solve naman nung dumating ang pagkain, so OK lang naman. Hindi na namin nagawang gumala dahil siguro sa pagod na rin sa byahe, kaya nagpunta na lang kami sa beach para mag-swimming ng konti.
Kinagabihan, niyaya kami ng ate ni Mackie na lumabas para gumimik. May isang bar malapit sa beach na may kumakantang banda tuwing Byernes, at sakto ngang Byernes nun. Inom lang ng konti at kwentuhan, dahil as far as I can remember mini-reunion namin nila Pops at Mackie yun...
With my dearest high school buddies, Mackie and Pops. Mukha pa daw akong tao nang mga panahong 'to HAHAHA!!! |
Kung naalala ko pa, tinamaan yata kami ng konti dito (of course except for Pops) at umuwi na rin kami nung hatinggabi na...
(to be continued...)