AURORA: Baler - Part 2


Emo lang 'di ba...
Ang sarap talaga gumising ng umaga sa probinsya. Ibang-iba ang pakiramdam-- fresh ang hangin, malamig, mabango. Amoy... dahon? Basta amoy nature. Hindi tulad sa syudad na paggising mo, ang maaamoy mo eh yung niluluto ng kapitbahay mo. Well hindi naman sa nababahuan ako sa amoy ng pagkain pero iba eh... basta. I'm pretty sure you can relate to what I am talking about.


Kami ni Pops ang unang nagising, so nag-decide kaming pumunta sa beach para i-check ang early morning scene doon. Very peaceful talaga. Ang ganda. May nakita pa kaming chuchu na nagmumuni-muni sa tabing dagat, at nakaharap pa talaga sa karagatan (photo above)! Mukhang malalim ang iniisip eh.

Nagutom kami ni Pops kaya naghanap kami ng tindahan na bukas na nagtitinda ng mga de lata at kung anu-anong pwedeng ngatain habang hinihintay ang "official breakfast." Dalawang beses ko na nagagamit ang term na yan ah, napaghahalataang matakaw kami sa umaga hahaha!!!


View sa isang bridge na nadaanan namin. Coolness.
Nang makabili na kami ng aming mga provisions (ang totoong pakay pala bukod sa pagkain ay yung ano.... *giggles* 'di ba Pops? Naalala ko lang :-p), tumambay kami sa terrace at nagkwentuhan habang hinihintay magising ang mga batugan naming mga kasama (HAHAHA!!!). Ready na kami for our waterfalls adventure!!!


Tambay sa terrace. Luma na nga talaga 'to. Uso pa PSP eh. HAHAHA!!!
Kung napansin nyo sa isang picture sa previous post showing a little map, and Ditumabo (kung nasaan yung "Mother Falls" kung tawagin nila) ay 3 towns away from Baler, so medyo mahaba-habang lakbayin na naman 'to sa kabundukan. After ng breakfast ay dumiretso na nga kami sa aming adventure.

Sobrang mabato ang daan papunta sa Mother Falls. After ng paved na main road ay sumabak na kami sa rough road at nagpagewang-gewang sa loob ng sasakyan... ewan ko lang ngayon kung naayos na. Sana. Anyway... ilang "streams" din ang dinaanan ng aming sasakyan, buti na lang at pang harabas din ang gamit namin (4x4) at matiwasay naman kaming nakakatawid sa maliliit na ilog (adventure talaga!). Pero after ng pangatlong "rivulet" (nakkkkksss!!!) ay hindi na talaga kinaya ng sasakyan ang dapat tawirin, kaya kelangan na namin tawirin on foot.
Kahit medyo clumsy eh na-enjoy naman namin ang pagtawid... hehehe.
May mga man-made structures na medyo panira ng view
Umabot din siguro ng 30 minutes ang aming trek, passing by rivulets, crossing bamboo bridges and concrete structures na hindi ko alam kung saan ginagamit... pero parang ginagamit ang waterfalls to generate electricity (hydroelectric power plant?)... or ni-retire na? 'Di ko sure kung functional pa... pero masarap maglakad (kahit na madalas madulas si Pops sa mga bato HAHAHA!) dahil nababasa ng malamig na tubig ang paa mo every once in a while...
Ang linaw (at ang ginaw) ng tubig
Malayo pa ba? (Nakaka-miss din pala yung kapayatan ko dito...)
Pagdating namin sa falls, sobrang ninerbyos ako dahil OA sa lakas ang anggi (ENGLISH: spray) ng tubig na galing sa falls at baka mabasa ang camera ko... so hindi rin ako nakakuha ng masyadong maraming picture dito. Yung mangilan-ngilang poses lang na medyo malayo na sa falls tulad neto:
Eh 'di kayo na may picture...
At kahit sobrang lamig ng tubig eh hindi namin papalampasin ang pagkakataong mag-swimming sa basin!!! Yep. Sinipon yata kami lahat sa lamig ng tubig dito. Pero sobrang na-enjoy naman namin :)

After maligo sa catch basin ng falls ay 'di pa kami nakuntento, nag-swimming din kami sa maliliit na sapa on our way back (hahaha!):
Dulas Queen
Bumalik kami sa resort para mananghalian and we spent the rest of the afternoon lounging at the beach. At dahil nasa Baler na rin naman kami ay nag-decide ang iba sa amin na mag-surfing lessons. Ayoko pa i-try nang mga panahon na 'to dahil hindi pa ako confident sa swimming skills ko. Actually hanggang ngayon naman eh HAHAHA!!! Anyway ayoko makipag-wrestling-an sa naglalakihang mga alon ng Baler.


Wituwiw!!! HAHAHA!!!
Ready na po sya. Ready nang mapahiya hehehe
DQ. Daring Queen. OR... HAHAHA! Gusto mo ba yun Pops? :-p
Nakkksss!!! 'Di naman pala kami pinahiya ni Jeric! Pero seriously, mukhang nasa buhangin yung surfboard HAHAHA!
Ang chechekchi naman!!!!
Hirap na hirap akong buhatin ang hinayupak na surfboard na 'to magka-picture lang. Amps!
Nakalimutan ko na kung anong nangyari kinagabihan neto... pero nagpahinga na lang din yata kami sa pagod kaya wala kaming gimik nung gabing 'yon... anyway may activities pa kinabukasan kaya maaga ring natulog...

(to be continued...)

Categories: Share

Leave a Reply