BATANGAS: Calatagan
Travel date: June 2010
Burot/Elizalde Beach |
Una sa lahat, hindi madaling puntahan ang lugar na 'to. Hindi porke't sinabing sa Calatagan lang 'to eh nasa Calatagan lang talaga 'to. NOPE. Meron ka pang papasukang black hole para ma-teleport dito at kelangan mo pang hanapin ang portal na yun sa gitna ng kakahuyan ng Batangas. Kidding aside, hindi kasi sya naka-linya sa mga pamosong beach resorts sa Calatagan, at talagang kinubli sya away from all the hustle and bustle. Which is good, sa palagay ko.
Buti na lang at kasama ko si Jeric sa trip na 'to at may dala kaming sasakyan (albeit sedan na hindi pwede ipang-harabas) at naghati na lang sa pang-gas at toll fees. Anyway, bago pa man kami dumaan dito ay hinanap muna namin ang Cape Santiago Lighthouse na naka-advertise ng sobra sa bayan. Every once in a while makikita mo ang picture ng lighthouse sa daanan na talagang pino-promote nila, at kala mo ay madali ring hanapin. NOPE again.
Ine-expect mo siguro na since lighthouse naman 'to ay dapat kitang-kita na sya sa daan dahil syempre, may nakaangat na tore. At usually nasa isang mataas na lugar 'to nakatayo. Pero hindi talaga namin nakita ang parolang 'to kahit na nakailang ulit na naming dinaanan ng pabalik-balik ang seaside road ng Calatagan... nakaabot pa nga kami sa tip ng peninsula (na hugis bottle opener sa mapa-- and yes! GPS lang ang aming gabay hehe). Kung hindi pa kami nagtanong sa isang mamang naglalakad sa dirt road ay malamang sinukuan na namin ang paghahanap. Pero hindi rin naman ako yung type na dagli-dagli na lang sumusuko, kaya natunton din naman namin sa wakas matapos tahakin ng oto ni Jeric ang isang rough road na pinaliligiran ng mga tinik na tinubuan ng halaman. Yung tipong tuyo, matigas at nakakagasgas talaga ng pintura ng sasakyan. Go figure what happened LOL.
Charan! Isang mukhang bago at gated na lighthouse. Pasencia na sa kulay, lahat ng pictures ko dito ay naka-LOMO filter |
Well, tough luck. |
Tumingin-tingin kami sa paligid in hopes na nasa paligid lang ang keeper, or kung meron mang tao na pwedeng pagtanungan. Pero wala. Ito lang ang nag-iisang establishment na nakatayo sa paligid na yun, everything else is kugon, kugon, kugon (at yung halaman na matinik). Sinubukan pa naming sumigaw para itanong kung merong tao sa loob, pero wala talaga. Since sobrang init at nanlalagkit na talaga kami ay nag-give up na lang kami. Kinunan ko na lang ng litrato mula sa labas ng gate at umalis ng luhaan :(
Anyway dumirecho kami sa barangay Burot para hanapin na nga ang aming sunod na destinasyon-- ang Elizalde Beach.
Kumpara sa karamihan ng beaches sa Calatagan na black ang buhangin (yung iba, grayish-white), puti ang sa Burot. Although hindi pino ang buhangin, malinis naman in a sense na ang kalat lang ay more of natural (mga sanga ng puno, naglulutangang niyog, seaweeds). Meron ding mangilan-ngilang mga cottages na nakatayo sa beach at may mga pamilyang rumerenta, pero since hindi rin naman namin balak magtagal ay hindi na kami nag-cottage.
Naalala ko na kung bakit kami napunta sa Burot Beach. Bagong bili ang DSLR ni Jeric at gusto nya raw pag-aralan. Nagtanong sya kung saan magandang kumuha ng pictures at dito ko ni-recommend (at dahil gusto nya rin naman magpaturo at gusto ko rin puntahan 'to hehehe). Kaya dito ang bagsak namin.
Back to the story. May kaliitan lang naman ang coastline ng Elizalde Beach, kaya nilakad namin ang magkabilang side para kumuha ng sandamakmak na litrato. Maliban sa picture sa preview, ito ang ilan sa mga kuha ng aking camera:
Kung mapapansin nyo sa mga pictures, sobrang linis at tahimik na wala ngang nasasagip ng camera ko na taong naliligo sa dagat. Yun ay dahil may kalakasan ang alon nung panahon na yun HAHAHA! Kaya siguro hindi rin sila naengganyong maligo sa dagat. Pero dahil mainit naman ang panahon at sinusulit namin ang mala-maze na pagpunta sa beach na 'to ay naligo kami sa dagat nang maghapon.
Hindi na namin nakuhang magbanlaw at nag-decide na lang na mag check-in sa malapit na resort sa Calatagan para dun na lang mag wash up at matulog. Ang binagsakan naming resort ay yung resort ni Ricky Reyes na Golden Sunset. May promo nung mga araw na yun (since off-peak) kaya nakamura kami kahit papaano. Nung gabi ay nakuha pa naming maligo sa swimming pool nila na may giant slide.
Bago kami umuwi kinabukasan ay hindi ko alam kung anong sumagi sa isip namin kung bakit kami dumaan ng katedral ng Taal. Kung mapapansin nyo, hindi along the way to Manila ang bayan ng Taal. Pero dumaan kami anyway LOL. Hindi rin naman kami nagtagal at sa simbahan lang talaga kami kumuha ng larawan. Napakagandang simbahan! :)

Tahimik. |