BATAAN: Bagac (Playa La Caleta)

Travel date: October 6-7 2012


For the longest time, naging tradisyon ko na na tuwing birthday ko ay nagluluto ako at nagpapakain (and nagpapainom) sa mga closest friends ko. Netong mga nakaraang taon ay ramdam na ramdam ko na ang drastic downfall ng ekonomiya ng Pilipinas (or talagang nagiging kuripot lang talaga ako patagal nang patagal) kaya hindi ko na rin 'to nagagawa. Kaya naman minsan, nami-miss nila ang birthday parties at nagse-set up pa ng "surprise party" para sa'kin na and ending naman ay hindi rin ako nasu-surprise dahil palpak sila magplano (HAHAHA!).


Nung 2012, gusto kong maiba naman ang happenings sa birthday ko. At dahil sabik na sabik na sa dagat ang mga kaibigan kong sila Pops, Jeric, Mackie at Gibo, napagdesisyunan namin na i-celebrate na lang ang birthday ko sa beach. Yes, beach sa buwan ng Oktubre. Naisip ko, OK lang naman dahil kahit naman bagyuhin ang birthday month ko eh slim pa rin ang chance na ulanin kami sa araw nang alis namin. Isa pa, lagi namang nakabuntot si Haring Araw sa'kin-- sabi nga nila may "sun charm" daw ako. At dahil birthday ko nga... sagot ko ang kalahati ng gastusin. Minsan lang naman 'to, kaya sabi ko OK lang... tutal, lilima lang din naman kami. Nakikita-kita ko na sa Internet 'tong isang white-sand beach sa Bataan na parang sulit na sulit naman ang package. Buffet meals, tapos sa grupo nyo lang ang buong beach. What a perfect way to celebrate my birthday! Playa La Caleta ang tawag sa beach na 'to sa Bagac, Bataan. Si kuya Mike Apostol ng Bataan Nature Adventures ang humahawak ng mga tours sa "secret cove" na 'to, at kinontact ko sya thru Facebook para gumawa ng reservations a few days before namin pumunta. At since Bataan lang naman 'to, may araw na nung Sabado nung umalis kami from Manila. Sa Robinsons Galleria ang aming rendezvous.

Kung titignan mo sa mapa, napakalapit lang ng Bataan sa Manila. Tantya namin na hindi lalagpas ng 3 hours ang magiging byahe namin, pero mali kami. Dahil hindi nga rin namin alam ang lugar ay umabot kami ng apat na oras sa daan bago narating ang Bagac. Apparently, nasa kabilang side ng bundok ang parteng ito ng Bataan, at dadaan ka pa nga talaga sa mountain road pagkalagpas ng Balanga City, the town capital.

Naalala ko na lang na tinagpo namin si kuya Mike sa isang waiting shed sa isang daan sa Bagac. Sinamahan nya kami kung saan pwedeng iparada ang sasakyang dala namin, dahil kelangan namin sumakay ng bangka para marating ang cove na 'to. Pwede rin namang i-trek, pero hindi yun ang original plan kaya nagbangka na lang kami. May mga kasama si kuya Mike na tumutulong sa kanya sa operations (like kuya Dave), at kasama rin namin ang mga cute na cute nilang alagang aso na sila Barrack at Horton (RIP Barrack-- he passed away last year, nakakalungkot na balita :( ). Si Barrack ay isang dachshund at si Horton naman ay isang terrier (hindi ko alam kung anong klase... Scottish terrier yata?). Sobrang lalambing at babait na aso, na susunsan ka kung san ka pupunta! Too bad wala akong pictures nila ngayon, pero ipo-post ko dito kapag nakuha ko yung mga pictures sa isang hard drive ko.

Anyway, supposedly ay group tour ang magaganap, meaning may kasama kaming ibang grupo sa beach. Pero nalaman namin na nag-cancel yung isang grupo na dapat na kasabay namin kaya-- voila!!! Amin ang buong Playa La Caleta! Maliit lang naman ang stretch ng beach ng cove na 'to pero isang malaking playground na para sa aming lilima lang na guests. Isa pang bonus, WALA KAMING KAHATI SA BUFFET (na sheeeeeeettttt napakasasarap ng pagkain, cross my heart hope to die, more on this later).

Hindi gaanong maputi ang buhangin dito as expected-- merong streak ng brown at black pero kung tirik na tirik ang araw ay nakakabulag din naman ang kaputian. Pero hindi ibig sabihin nun ay hindi 'to maganda. Sobrang relaxing ng lugar na 'to dahil puro puno ang nakapaligid sa'yo. Konti lang ang makikita mong man-made structures. Yun talaga ang idea ko sa isang perfect getaway-- hindi isang kumportableng resort, pero yung mga types na camping adventure. Exciting!
Sarap matulog dito, promise.
Nakakatuwa na may set-up ng beach chairs and umbrellas sa beach kung san pwede ka mag-chill. Walang tugs-tugs sound somewhere, yung mga nag-uumpugang alon lang ang maririnig mo sa background. Pagkadating na pagkadating namin ay binigay ni kuya Mike ang aming "adventure kits" (again, ipo-post ko na lang yung picture kapag nakuha ko na silang lahat). Eto yung mga toiletries like toothbrush, toothpaste at soap na nakabalot sa isang malaking dahon. How is cool that?!

Anyway habang naghihintay kaming maluto ang aming lunch, naggala-gala muna kami sa beach, nag-explore ng kaunti at naglaro ng Frisbee. OK lang magmukhang tanga sa paglalaro ng Frisbee since kami-kami lang naman ang nandoon.
Peaceful (kami lang ang hindi)

Sayang hindi ko mapo-post yung picture nung set-up ng pagkain pero nakakatuwa! Astig yung itsura ng buffet table. Ang creative ng mga lalagyan ng pagkain like malalaking shells and coconut shells. Survivor na Survivor ang dating (but of course, walang ganun sa Survivor). Hindi ko na maalala lahat ng pagkain na nasa menu, pero ang alam ko merong grilled fish, salad (na merong talbos ng kasuy-- ang sarap!) at chicken binakol (yun yung tinola na may sabaw ng buko). Lahat sila masasarap! 

After ng lunch ay syempre pahinga muna ako dahil kung natatandaan ko ay direcho kaming bumyahe after ng shift ko. Pagkagising ko ay kumakain na sila ng banana fritters at buko salad for merienda! Aba'y walang humpay naman pala ang supply ng pagkain dito. After kumain ay tinour kami ni kuya Dave sa ibang parte ng cove. Naglambitin kami sa mga baging (literally) at nag mini-rock scrambling para lang makalibot, dahil high tide at wala kaming ibang dadaanan. Nakakatakot, pero ang saya! Nahiya kami sa mga aso (yes, sumama ang doggies sa pagtu-tour) dahil sinasamahan nila kami at nasasabayan (hahaha!). 
Medyo nagbuwis kami ng buhay makarating lang sa parte ng 'to hehehe. The beach in the distance

Sa isang islet sa harap ng cove na kami inabutan ng sunset, at hindi na kami nakaligo sa isang maliit na natural pool dahil sobrang lakas ng hampos ng mga alon doon at magtatakip-silim na rin. Isa pa, may dala kaming mga camera kaya hindi pwedeng mabasa ng sobra.
Sunset
After ng trekking ay nag-wash up na kami at since limited ang ilaw (walang kuryente sa cove) ay napaaga ang aming dinner. Again, hindi ko na matandaan ang pagkain pero ang natatandaan ko lang ay dabest ang pagkain dito, kahit ano pa man ang i-serve sa'min. Syempre hindi sa dinner matatapos ang aming gabi. Meron kaming chocolate fondue at cocktails for dessert! Syempre cocktails lang ang term ko pero inuman talaga yun na pinasaya lang dahil merong kasamang drinking game! Nakakatuwa talaga yung gabi ng birthday ko :) Hindi naman kami nalasing, may kaunting tama lang para swabe ang tulog. Kaya sa tent, plakda ang lahat. Hindi na naming gumawang tumambay at magkwentuhan sa harap ng bonfire na ginawa pa naman ni kuya Mike hehehe.


Wala na rin namang masyadong happenings kinaumagahan, kundi kumain ng masarap na breakfast at maligo ng kaunti sa beach. Sinulit na talaga namin ang pagliligo dahil for sure mami-miss namin ang dagat kaagad. 
Lovers sa beach. Hindi pa sila kasal nung mga panahon na 'to :D
a combination of black and brown sand
Freshwater trickling down the sea

After lunch, hindi muna kami dumirechong uwi dahil dumaan kami sa Dambana ng Kagitingan sa Mt. Samat para sa kaunting Kodak-an. Hindi ko na rin ipo-post ang mga pictures doon dahil hindi kumpleto ang nasa Bagac album ko hehehe.

Salamat po ng marami, kuya Mike at Dave para sa napaka-relaxing na bakasyon cum birthday celebration sa inyong munting paraiso! Babalik kami for the pink beach :D

Categories: Share

Leave a Reply