AURORA: Baler - Part 3

Buti na lang at nakapag-research ako ng kaunti at kahit papaano ay meron kaming ibang binisita sa Baler maliban sa mga famous waves dito. Noon pa man, mahilig na talaga ako sa mga destinations na "off the beaten track." Salamat sa waypoints.ph at nakita ko ang napakagandang beach na 'to: Dicasalarin Cove.


Too bad kelangan nang umalis ni Pops sa araw na 'to dahil hindi sya nakapag-file ng leave ng maayos, kaya hindi namin sya kasamang pumunta dito. Actually, umalis sya the night before para nasa Manila na sya kinaumagahan. Well, sayang naman at hindi sya nakasama dahil she just missed half her life. LOL.

Anyway, after breakfast ay dumiretso na kami sa isang maliit na daungan ng mga bangka para kumausap ng bangkerong pwedeng maghatid sa amin dito. Alam din naman pala ng mga locals kung gaano kaganda dito, kaya nung sinabi namin kung saan kami magpapahatid ay na-excite din sila para sa'min. Kesyo dun daw nagpunta yung mga candidates ng Miss Earth nung kamakailan lang. Anyway, hindi naman din namin in-expect na sobrang tagal ng byahe papunta dito, umabot yata kami ng 2 hours sa bangka. Buti na lang at medyo malaki ang bangka, kaya kahit sinalubong kami ng naglalakihang mga alon ay hindi naman gaanong nakakalula. Kaso nga lang, hindi kami nakapag-handa, at wala kaming nadalang pagkain kundi chips. Hindi rin naman namin inakalang dun namin palilipasin ang buong maghapon namin.
"Nakakainip naman ang byahe!" :(
Lahat ng inip namin at frustrations sa buhay ay napawi ng narating namin ang mala-paraisong beach na 'to. Ang masaya pa, merong source ng freshwater na free-flowing from the mountains. At least hindi kami mangangalat sa tubig-asin kapag nabilad at natuyo sa araw dahil meron kaming pwedeng pagbanlawan. Meron pa ngang maliliit na isdang lumalangoy, at kitang-kita mo sila sa surface dahil sobrang linis ng tubig. Masasabi mo talagang "untouched" pa ang lugar and sana ganun na lang sya forever.


May mga armadong kalalakihan na nagbabantay sa lugar na 'to, at nagsisilbi na ring caretaker ng lugar. Nakakatuwa dahil talagang winelcome nila kami sa kanilang munting kubong tinutuluyan. Nakakatakot lang nung una dahil meron silang mga dalang armalite. Pero sabi nila, pang-protekta lang daw nila sa mga NPA. Lalo tuloy kaming natakot. Hehehe. Anyway mababait naman sila, at nakaka-kwentuhan pa nga namin. 
Ang aming bangka.
At dahil nga inabot na kami ng tanghalian dito nang walang pagkain ay nagutom na kami nang tuluyan. Nung malaman ng mga bantay na wala kaming dalang pagkain, nagmagandang-loob sila at in-offer ang mga stock nilang pagkain sa kubo-- sardinas, bigas at noodles. WOW. Gutom na gutom na talaga kami kaya kapalmuks na naming tinanggap ang offer nila. Tinanong muna namin na baka wala na silang pagkain sa mga susunod na araw, pero sabi nila magre-restock na rin naman sila kaya OK lang. Nakigamit pa kami ng lutuan at utensils (LOL) para todo-todo na ang pangangapal-mukha. Kahit ganun lang ang pagkain namin sa secluded na cove na yun ay parang kumakain kami sa isang pistahan dahil sa sobrang gutom namin.
Busog na. Tambay muna.
Pagkatapos kumain ay nag-offer pa sila sir na i-tour kami around the cove. Nakakahiya talaga, pero wala eh, Pinoy hospitality at its best! Sinamahan nila kami sa kabilang side ng cove, sa mga kweba, at sa mga parte ng beach kung saan may lobsters silang inaaalagaan. Nakakatuwa.
Pumu-posing pa sa batuhan!!! HAHAHAHA!!!
Papahuli ba 'ko? Syempre hindi. LOL
Hindi rin naman kami gaanong nagtagal sa Dicasalarin Cove, dahil balak na rin namin umuwi pa-Manila sa gabing yun. Kaya naligo lang kami ng kaunti (medyo mabato ang beach dito at maalon), nagbanlaw sa freshwater, konting pictorial sa kung saan-saan at umalis na rin maya-maya. Nagpaalam kami at nagpasalamat sa aming napakababait na hosts.

Pagdating ng resort ay nagbanlaw na lang at bumawi ng kain sa isang carenderia sa bayan. Bago umuwi ay dumaan muna kami sa bahay ng brother-in-law ni Mackie para kumain ng napakaraming fresh buko!

Tsalap.



Categories: Share

Leave a Reply