IFUGAO: Banaue (Batad)

Travel date: July 2012


As a respite from the alphabetical scheme ng pagpo-post, skip tayo from the letter "B" to the letter "I." Malayo, pero parang ayoko muna mag-post ng tungkol sa Benguet/Baguio since etong Friday ay pupunta kami sa Benguet para akyatin muli ang Mount Pulag (excited nga ako ^_^). Pagbalik ko na lang siguro ipo-post yung next na province sa Flickr account ko. At para may variation din naman sa type ng destination since napansin ko na puro beaches pala ang mga nakaraang blog posts.
Actually, side trip lang naman ang Batad/Banaue since ang main destination namin ay Sagada. Nakapunta na ako sa Sagada noong 2009, pero isa yun sa mga lugar na hindi ko siguro pagsasawaang balikan. Madalang na pagkakataon na bumabalik ako sa isang lugar na napuntahan ko na, since ang goal ko nga is mapuntahan isa-isa ang mga probinsya ng Pinas. Pero kung OK naman ang mga circumstances (at talagang na-enjoy ko ang trip, and this time kasama ang ibang mga kaibigan ko) ay hindi ako mag-aatubiling bumalik. Pero since naisip ko na this time ay dadaan ulit sa Banaue, naisip ko na ring isama na ang Batad sa itinerary dahil sobrang nagandahan ako sa mga pictures na nakita ko sa Internet.

Naaalala ko pa na since bagyuhin na ang July (if I remember it correctly, nakadikit sa 4th of July ang trip na 'to which is holiday sa office) ay nag-aalangan ang mga kasama kong sumama dito LOL. Well, sa bundok lang naman kami pupunta at malaki ang chances na magkaroon ng landslide since nag-uulan. Pero dahil meron akong iron will (at nasayang na na-file na VL) na tumuloy ay todo-encourage ako sa mga kasama ko kahit na may mga balitang may papasok na bagyo sa Pilipinas. Ending, hindi nakasama si Leo. Kami lang apat nila Megs, ate Raks at boss Echo ang natuloy.

Untikan na kami ma-late sa aming 10 PM trip na bus pa-Banaue. Sa España ang meet-up place, sa bus station ng Ohayami. Pagdating namin doon, nagulat kami dahil mas maraming foreigners kesa Pinoy. Nandoon na rin si Megs, naghihintay at hawak ang mga tickets namin. Dahil nakabili na nga kami ng ticket in advance ay pina-refund namin ang 50% ng ticket ni Leo at sinama sa aming travel fund (LOL). Nakakatuwa, talagang sumikat na sa mga backpackers from all over the world ang ganda ng Cordilleras. Usually kasi pinupuntahan ang bansa natin for the balmy weather, kaya beaches ang ultimate offering. Wala lang, refreshing lang din na internationally known na ang ating highlands.
Thanks sa picture namin na 'to ni Megs, boss hehehe

Gabi ang byahe namin, kaya naman ay tinulugan lang namin ang entirety ng trip. Nagising sa stopover sa Solano (Nueva Vizcaya), kumain ng tupig, uminom ng kape pero natulog ulit (ganyan kami kabagsik sa tulugan). Paggising namin, maliwanag na sa labas at nasa Banaue na kami. Excited ang mga kasama ko dahil first time nilang makikita ang Banaue Rice Terraces, na nakikita lang nila dati sa 1000-peso bill.

Kumausap muna kami ng jeep na pwedeng maghatid at magsundo sa amin sa Saddle Point. May kamahalan ang offer at nagtanong kung meron kaming ibang grupo na pwedeng makahati sa gastos-- unfortunately, wala. Kaya kaming apat lang ang maghahati sa renta. Anyway nasa budget pa rin naman kaya OK lang, pero ang goal namin talaga ay makatipid as much as possible. Ganyan kami kakuripot mag-travel (and who says travelling should be expensive? ;-)). Bago kami sumabak sa byahe, kumain muna kami ng breakfast dahil meron pa kaming trekking papunta sa Batad from the Saddle Point. Syempre kasama na rin dyan ang kaunting Kodakan moments.
Sinipag ako kaya nagawa kong halukayin ang ilang pictures sa Facebook timeline ko. Again, thanks boss Echo! Posing sa likod ng Banaue Rice Terraces (me, Megs, ate Raks and boss Echo)
Isang barangay lang ng Banaue ang Batad, pero isang oras ang byahe sa jeep papunta dito. Medyo isolated kasi ang lugar na 'to. 
Habang tinatahak namin ang daan papuntang Saddle Point, may nakilala kaming dalawang foreigners sa daan, si George (from Israel) and Freya (from some Scandinavian country ba, as the name suggests? Nakalimutan ko na). Nagtanong kung pwede ba raw silang makisakay since hindi nila inasahang sobrang layo pala ng lalakarin nila. Dahil sobrang luwag naman sa jeep namin ay pinasabay na namin sila, at doon na sila nagsimulang magpakilala at magkwento tungkol sa travels nila around the world. Photographer yata for a travel magazine si George at isa namang writer si Freya. After more or less an hour of rough road, narating din namin ng matiwasay ang Saddle Point, ang jump off papuntang Batad.
Dahil baku-bako ang daan, ganyan ka blurry ang picture namin sa loob ng jeep LOL (pic from boss Echo)

Merong isang tindahan sa Saddle Point na napakaraming tinda, na para bang nagsasabing-- "ops, bumili na kayo ng dapat nyong bilhin, dahil pagbaba nyo dun eh wala na kayong mabibilhan." Meron din silang mga walking sticks for rent, na isasauli mo na lang pagbalik mo sa Saddle Point. Hindi na kami rumenta nun since athletic naman kami (joke! alam na alam ni Megs yan hahaha!!!).


At nagsimula na nga ang aming trek papuntang Batad. Masarap naman mag-trek since malamig ang hangin, pero nakakapagal pa rin ang init ng araw. May mga teaser ng view ng rice terraces every once in a while sa daan, at meron pang ganitong mga advertisements:
Binura na yung "2 mins away" na nakalagay sa baba since 30 minutes pa yata namin tinahak ang daan hahaha!!! (pic from boss Echo)
Pataas, pababa, maaalikabok, maputik, kung anu-anong contrasts ang na-experience namin sa trail. Pahinto-hinto maya-maya, at ilang locals na ang lumalagpas sa amin na para bang hindi sila napapagod. Oh well, sanay na sanay na kasi sila sa terrain ng lugar nila, so why compare our stamina to theirs? Haha. Anyway narating din namin sa wakas ang Batad and we were rewarded with this truly majestic view:
Salamat ate Raks for the photo. Yep, hindi po ako mahilig kumuha ng pictures ng mga tao so wala kaming gaanong pictures sa camera ko bwahahaha!
Dahil lunch time na nang marating namin ang Batad, nag check-in muna kami (we stayed at Rita's Mountain View Inn), nagpahinga ng konti at kumain ng lunch. After kumain ay sinamahan na kami ng aming local guide (ano nga uli pangalan nya guys?) para mag-trek (na naman) papunta sa Tappiyah Falls. This time, talagang buwis buhay ang trek dahil kapag 'di ka nag-ingat ay bangin ang huhulugan mo (HAHAHA!). Dadaan ka pa sa pilapil ng mga rice terraces bago mo yun marating:



Posing muna! (photo from ate Raks)
Imagine na sa gilid-gilid ka lang dadaan. Balance is the key! 'Di ba ate Raks? HAHAHA!!!
Ginormous amphitheater!


Inatake na ng hypertension si boss. Partida, wala syang dalang gamot. HAHAHA! Well at least nakayanan nya :D (photo from ate Raks)
Pahinga muna. May mga sementadong stairways naman pero sobrang tatarik! (photo from ate Raks)
Thanks for the warning, we're already dead by then anyway. (photo from ate Raks)
Matapos ang mala buwis-buhay na trek, narating rin namin sa wakas ang Tappiyah Falls. Worth it naman lahat ng pagod dahil sobrang sarap maligo sa falls. Kami lang ang tao dito nung pumunta kami, kaya parang meron kaming private falls hehe. Though sobrang lamig ng tubig, parang may yelo.


Warning: and susunod na palabas ay rated PG. LOL. Ang harsh ng language ni boss Echo! HAHAHA!!! (salamat sa camera na ginamit dito, ate Raks)



Basang lens effect. Sobrang lamiiiiiiig!!! (photo from ate Raks)
Nagpakita ang diwata ng Tappiyah Falls (LOL)
Just... beautiful.
Hindi rin naman kami masyadong nagtagal doon dahil ayaw namin abutan ng dilim sa banginan at medyo kumukulimlim at nagbabadyang umulan, kaya mahigit-kumulang dalawang oras lang yata kami nag-stay dito at umakyat na ulit, pero ibang trail na ang dinaanan namin pabalik. Maya-maya nga ay bumuhos na ang ulan. Dahil basa na rin naman kami ay wala kaming pakialam (hahaha), ang concern lang namin ay baka maabutan kami ng landslide sa daan :D
Mga basang sisiw (photo from ate Raks)

Sobrang luntian (naks, LUNTIAN!) ng bukirin noong mga araw na yun, kaya napakagandang kunan ng picture. Pero iba rin ang ganda ng terraces kapag basa (irrigated), tulad neto:
Shiny, like stained glass. (photo from http://infinitephotos.wordpress.com)
Kahit napakarami nang modern houses na nakatayo dito (yung iba eh nasa gitna pa talaga ng terraces-- unique feature 'to ng Batad) ay may mangilan-ngilan pa ring traditional Ifugao houses kaming nadaanan. Yung ibang "home stays" dito ay ganito ang style. Mas maganda sana kung mga ganito lang ang nakatayo dun sa gitna ng rice terraces hehehe.
Coolness! (photo from ate Raks)
Hindi ko na-picture-an yung mga puno, pero sobrang daming puno ng suha (pomelo) dito at hindi naman nila pinapansin. Nahuhulog-hulog lang sa daan. Gusto man namin kunin pero... wala lang, siguro nakakahiya? Hahaha. Anyway sobrang napagod kami sa trek pero hindi muna kami nakapagbanlaw agad dahil sobrang lamig ng tubig. Ending tuloy, gabi na kami nakaligo (which is a stupid idea dahil mas malamig ang tubig at mas maginaw ang hangin). Hindi na rin kami nagpainit ng tubig dahil gusto namin makatipid (yeah, may bayad ang pagpapainit ng tubig). Kaya tuwing may maliligo sa banyo ay parang makakarinig ka ng hiyaw sa tuwing bumubuhos ang tubig HAHAHA!


Anyway nag-decide kaming kumain sa kabilang inn para maiba naman. Medyo late na kami nakapag-dinner, buti na lang pinatuloy pa rin kami nung bantay sa dining area kahit na mukhang sarado na sila. Kapag nasa kabundukan ka talaga eh brown rice ang staple. At ang serving ng kanin ay ga-bandehado! Habang hinihintay namin ang aming mga order na pagkain ay hiniram muna namin ang kanilang gitara at nag-kantahan (at nambulabog ng mga natutulog nang guests nila doon). Si ate Raks ang gitarista :D


Bumili kami ng isang malaking bote ng tapuy (rice wine, yung nasa mesa sa video) at bumalik na sa aming inn pagkatapos. Dahil birthday ni Megs pagpatak ng alas-dose nung gabing iyon ay nag-celebrate kami sa pamamagitan ng pag-shot ng tapuy or rice wine! Naaalala ko yung mga reaksyon namin noong unang tikim sa tapuy. Medyo weird kasi at humahagod sa lalamunan, na may lasang... bigas? Malamang, rice wine eh. Pero iba eh, prominent talaga yung lasa ng bigas. Hahaha! (May mga nalalaman pa 'kong explanation ng wine sa video na 'to... napakaraming alam! Bakit 'di mag-teacher! HAHAHA!)



Hindi rin naman namin naubos ang bote ng tapuy dahil sa sobrang pagod na kami at wala rin sa mood mag-inuman. Si boss Echo nga, madaya dahil tinulugan kami ng maaga, hindi na naka-shot. Pero yeah, that's enough activities for the day. Andaming masasayang nangyari nung araw na yun and good thing naaalala ko pa rin lahat thanks to the pictures (and videos).

Kinabukasan, nagising kami ng maaga para makapag-breakfast agad at makaalis on time para maabutan namin ang scheduled pick-up time ng jeep namin sa Saddle Point, pabalik ng Banaue town proper (well actually that's the least of our concerns since hihintayin naman kami ng driver no matter what, dahil ni-rentahan namin yung jeep-- ang main concern namin is kung maabutan namin yung bus/jeep na nagta-travel from Banaue to Sagada). Pero bago kami umalis, nag-log muna kami sa guest book at naglagay ng mga remembrance sa Freedom Wall, like what the guests are expected to do (kaka-resign ko lang sa Siemens noong mga panahong 'to kaya OK lang na iiwan ang ID LOL).




Naka-score pa ako ng bulul (rice god statuette) na trinket na originally at keychain nila sa inn... salamat po ate Germaine sa souvenir :)



Anyway pagbalik namin sa Saddle Point ay nagulat na lang kami na may isang kano na hinihintay kaming makasakay sa jeep. Apparently, gusto nyang maki-sabay sa jeep pabalik ng Banaue. Ang pangalan nya ay Nick and he's from California. Familiar na ang mukha nya sa amin since nakasabay namin sya sa bus station sa Manila papuntang Banaue. The friendly people that we are (at syempre tatanggi pa ba kami eh wala namang gaanong laman yung jeep) ay pinasabay namin sya. Nakuha nya pang sumakay sa bubong dahil mas maganda daw ang view doon. Ayaw namin mag-"top load" dahil sa kundisyon ng daan, baka magulat na lang kami na ang isa sa amin ay nalaglag na sa bangin LOL. Anyway tinanong namin sya kung saan ang next nyang destination, and surprise, Sagada rin! Since dun din naman ang next stop namin ay in-offer na namin kung gusto nya sumama sa grupo para na rin makatipid sya sa mga gastusin. Syempre, tuwang-tuwa naman sya. May instant friend na naman kami.

Pagdating sa Banaue ay nagpa-reserve na kami agad ng return ticket to Manila para hindi na maubusan sa huling araw. Nakakita kami ng isang jeep na didiretso ng Sagada (normally, bumabyahe muna ang mga jeep pa-Bontoc, then from Bontoc may mga byaheng pa-Sagada) since maraming pasahero ang didiretso naman ng Sagada. How cool is that? At dahil sementado naman mostly ang daan papuntang Sagada ay in-encourage ko silang mag topload this time. Noong una, nagda-dalawang-isip pa sila (dahil sobrang natatakot) pero sinabi ko na part dapat ng experience namin yun sa Cordilleras. So nag-give in din naman sila eventually. I'm pretty sure hindi nila pinagsisihan yun dahil sobrang ganda ng view sa daan (at sobrang sayang experience pa!).
That's Mr. Nick Stavroulakis over there :D
Inambon man kami sa taas ay buti na lang at prepared kami, napakinabangan namin ang mga dala naming lightweight raincoats. Pagdating naman namin sa Bontoc ay sobrang tumirik na ang araw, at nag-stopover na muna kami para magpapalit ng gulong (na-flat-an ang jeep na sinasakyan namin). Doon namin nalaman na halu-halong mga lahi din ang sakay ng jeep-- may mga Koreans, Chinese, Japanese, English at iba pang Europeans, at mga kapwa Pinoy. Nakakatuwa, parang United Nations bus lang hahaha!!!

Anyway, habang naghihintay matapos ang pagpapalit ng gulong, nakita kong may nagbebenta ng nganga/moma. Eto yung nginunguya ng mga tao doon para uminit ang katawan nila (dahil nga sa malamig na climate sa Cordilleras). Eto rin yung mapapansin mong mapulang something na makikita mong dinudura nila sa daan (kaya nga may mga bayan dito na nagbawal sa pagdura ng moma sa kung saan-saan hehehe). Eto rin yung dahilan kung bakit parang nagdudugo yung mga kulay ng bibig nila. It's made of betel nuts + leaves and lime (apog). Dahil curious talaga ako kung anong lasa nun, bumili ako at nag-try. Nagpaturo ako sa aming konduktor kung paano pine-prepare yun.
At eto ang itsura ko nung sinubukan ko ang moma/nganga
Ano nga bang lasa ng moma/nganga? Pinaghalo-halong lasang maasim, mapakla, maanghang at mapait. At yes, medyo mainit nga sa katawan (masakit din sa ngipin dahil matigas pala nguyain yun LOL). Something that I wouldn't try again though (but overall, hindi naman pala masama ang lasa).

Anyway, nung nagawa na ang sasakyan ay hindi na kami sumakay sa bubong. Mukhang nainggit yung ibang mga pasahero sa loob at sila naman ang nag-topload (hehehe) dahil mukhang ang saya-saya namin sa taas. Sa loob ng sasakyan, kinausap na rin namin ang ibang pasahero doon kung meron na silang itinerary sa Sagada, at kung wala naman ay baka interesado silang sumama na lang sa'min (ganun kami ka-desperadong makatipid). Doon namin nakilala ang mga bago naming mga kaibigan na sila doc Utchie at Paul, Boggs, Joeff, Marvin at Nori. Sila ang mga nakasama namin sa aming Sagada adventure, which will be featured on my next post :)

Categories: Share

Leave a Reply